Naniniwala si dating National Democratic Front of the Philippines o NDFP panel chairman at kasalukuyang senior adviser Luis Jalandoni na kakayanin ng gobyerno at komunistang grupo ang dalawang buwang deadline na itinakda ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa pagbabalik ng peace negotiations.
Ayon kay Jalandoni, maaaring malagdaan na ang agrarian reform and rural development at national industrialization and economic development.
Ito’y bilang bahagi ng comprehensive agreement on social and economic reforms.
Magkakaroon din aniya ng back channel talks sa pagitan ng mga kinatawan ng gobyerno at NDFP simula ngayong araw, Abril 9 hanggang Biyernes, Abril a13 sa Utrecht, Netherlands.
Aminado naman si Jalandoni na bagaman hindi pa makukumpleto ang peace agreement, magiging “substantial advancement” naman ito para sa usapang pangkapayapaan.
—-