Inaprubahan na ng Land Transportation Office (LTO) ang pagpapalawig ng dalawang buwang validity sa student permit, driver’s license, conductor’s license at medical certificate na mapapaso sa Enero, Pebrero, at Marso.
Ang pagpapalawig ng validity ng mga lisensya ay ginawa bilang bahagi ng mga hakbang upang mapagaan ang pasanin ng publiko sa gitna ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Samantala, nanawagan si Senator Grace Poe sa lto na tiyaking madaling ma-access ang online portal nito para sa aplikasyon at renewal ng mga driver’s license.
Matatandaang nag-isyu ang lto ng 10 taong validity ng driver’s license noong nakaraang taon upang mabawasan ang problema ng mga motorista. —sa panulat ni Kim Gomez