Nakorner ng awtoridad ang 2 lalaki na kapwa “Most Wanted Person” sa magkahiwalay na police operations sa lalawigan ng Nueva Ecija.
Kinilala ng mga pulis, ang 2 naaresto na sina Jennier Ebuña, at si Dominador Velasco
Nabatid na si Ebuña ay may kasong paglabag sa RA 10883 o mas kilala sa The New Anti-Carnapping Act of 2016 na may inirekomendang piyansa na P300,000,
Habang si Velasco ay kasong RA 10883 o Acts of Lasciviousness, at may inirekomendang piyansa na P180,000.
Kapwa hindi na umano nakapalag ang dalawang suspek nang hainan sila ng warrant of arrest sa magkahiwalay na Manhunt Charlie Operations ng Santa Rosa at Lupao Police.