Dalawang kaso ng mutation ng Coronavirus 2019 ang natagpuan sa lalawigan ng Cebu.
Ayon kay Dr. Mary Jean Loreche, tagapagsalita ng Department Of Health-Central Visayas, ito’y mula sa mga samples na isinailalim sa genome sequencing na ipinadala sa Philippine Genomic Center simula noong Enero 30 hanggang Pebrero 2.
Nagmula aniya ang mga samples sa mga pasyente mula sa Cebu City, Mandaue City, Lapu-Lapu City at Cebu Province.
Sa ngayon ay binansagan muna umano ang dalawang mutation ng virus na e484k at n501y.