Aabot sa 10 miyembro ng Abu Sayyaf ang sumuko na at nagbalik loob sa pamahalaan nito pa lamang nakalipas na linggo.
Ito ang inihayag ng Joint Task Force Sulu ng Armed Forces of the Philippines (AFP) makaraang sumuko ang may dalawa pang tauhan ni ASG Leader Radulan Sahiron.
Kinilala ni Joint Task Force Sulu Spokesman Lt/Col. Rolando Mateo ang mga sumukong bandido na nakilala lamang sa mga alyas Jepoy at Abu Omar.
Sumuko aniya ang mga ito kay 6th Special Forces Batallion Commander Lt/Col. Rafael Caido kasama ang kanilang mga armas tulad ng M79 granade launcher at M16 rifle.
Dahil dito, sinabi ni Mateo na tiyak na ang unti-unting paghina ng Abu Sayyaf dahil sa patuloy na pagsuko ng kanilang mga miyembro.