Dalawa sa 5 biktima na nag-collapse sa isang concert sa Pasay City ay nasawi dahil sa atake sa puso at multiple organ failure.
Ayon kay Dr. Romel Papa, pinuno ng Forensic Investigation Division ng NBI, ang isang biktima ay namatay dahil sa heart attack with pulmonary edema, habang ang isa ay bunsod ng massive myocardial infarction with multiple organ failure.
Ipinabatid ni Dr. Papa na ito ang kanilang findings sa isinagawa nilang autopsy sa mga labi nina Lance Garcia at Bianca Fontejon.
Pero, hindi aniya nila mailalabas sa ngayon ang resulta ng toxicology, dangerous substance at alcohol tests ng dalawa dahil kinakailangan pang makumpleto ang confirmatory tests.
By: Meann Tanbio