Arestado ang dalawang lalaki dahil sa pagbebenta ng mga hindi otorisadong COVID-19 Antibody Test Kit sa Quezon City.
Kinilala ang mga suspek na sina Erwin Baluyo, 39- anyos at Rocky Victoring, 35- anyos.
Ayon sa Quezon City Police District – Criminal Investigation and Detection Group, nakatanggap sila ng tip hinggil sa online selling ng ilang indibidwal ng mga COVID-19 Antibody Test Kit.
Agad namang ikinasa ng mga otoridad ang isang Buy-bust operation sa Banawe Street, Barangay Sta. Mesa Heights na ikinaaresto ng mga suspek. —sa panulat ni Mara Valle