Nahaharap sa mga kasong criminal sa Department of Justice o DOJ ang dalawang (2) nagpanggap na mga tauhan ng Malacañang.
Kasong Usurpation of Authority at estafa ang isinampa ng National Bureau of Investigation (NBI) sa DOJ laban sa mga inarestong sina Aira Enriquez at Robert Tesorero matapos tumanggap ng pera mula sa complainant na pinangakuan nilang itatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pwesto sa gobyerno.
Natuklasang hindi konektado sina Enriquez at Tesorero sa Office of the President at dati nang may kasong carnapping at estafa si Enriquez.
Kasama rin sa kinasuhan ang isang Alma Carreon na hanggang sa kasalukuyan ay nakakalaya pa.
By Avee Devierte |With Report from Bert Mozo