Dalawang pasyente ng COVID-19 delta variant ang nakarekober sa Calamba City, Laguna.
Ayon kay Dr. Adelino Labro, Head ng City Health Office, ang mga pasyenteng ito ay isinailalim sa swab test nuong Hunyo 27 at nakarekober noong Hulyo 12.
Sa ospital na aniya sila na-confine at dun na rin natapos ang kanilang isolation period.
Wala rin umanong history na nagbiyahe sa ibang bansa ang dalawa o naging close contact sila ng isang umuwing overseas Filipino.
Una nang kinumpirma ng Department Of Health na positibo ang naturang mga pasyente sa delta variant batay sa resulta ng genome sequencing ng Philippine Genome Center.