Binisita ni Philippine Navy Chief Vice Admiral Giovanni Carlo Bacordo ang dalawang malalaking imbakan ng langis na bahagi ng Malampaya Natural Gas Facility na nasa hilagang kanluran ng Palawan.
Ayon kay Bacordo, partikular na binisita nito ang Nido at Matinloc gas platforms na nagretiro na at plano nilang gawing observation post sa Recto Bank.
Binigyang diin ng Navy chief, makatutulong ito upang palakasin ang kakayahan ng Pilipinas na bantayan at ingatan ang mga likas yaman sa bahaging iyon ng karagatan.
Gayun na rin ang ipagtanggol ito mula sa banta ng China na sumasakop sa malaking bahagi ng West Philippine Sea.
Magugunitang itinigil na ng Department of Energy (DOE) ang operasyon ng dalawang gas fields matapos makapagsilbi ito sa sambayanang Pilipino sa nakalipas na 40 taon.