Pinayagan na ng korte na mabisita ng dalawang nakakulong na Ampatuan ang kanilang ama na si Maguindao Governor Andal Ampatuan Senior.
Ayon kay Atty. Salvador Panelo, Legal Counsel ni Ampatuan, ikinagalak ng pamilya ang pagpayag ng korte dahil sa kritikal ang kondisyon ngayon ng nakatatandang Ampatuan.
Nasabi umano ng doktor ni Ampatuan na maaari itong sumakabilang buhay anumang oras matapos itong ma-comatose dahil sa atake sa puso.
Una nang nakadalaw ang anak nitong Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan Jr. kahapon sa National Kidney and Transplant Institute kung saan naka-admit ang kanyang ama.
Si Ampatuan kasama ang ilan sa mga anak nito ang itinuturing na suspek sa pagpatay sa 58 indibwal sa Maguindanao nong Nobyembre 2009.
By Rianne Briones