Patay na ang dalawang nalalabing miyembro ng Abu Sayyaf na nagtatago sa Bohol.
Ito’y matapos silang maka-engkwentro ng mga pulis at militar sa Pangangan Island, bayan ng Calape, kahapon.
Ayon kay A.F.P. Spokesman, Brig. Gen. Restituto Padilla, pasado alas 12:00 ng tanghali nang mapatay sa engkwentro si Alyas Abu Ubayda sa Barangay Kahayag habang narekober mula sa bandido ang isang M16 rifle.
Napaslang naman sa follow up operation si Abu Asis dakong ala 5:30 ng hapon sa Sitio San Vicente, barangay Lawis o 100 metro lamang mula sa unang encounter site.
Tinangkang arestuhin ng mga pulis si Asis subalit nanlaban ito gamit ang kalibre 45.
Dahil dito, na-neutralize na ang lahat ng ASG Member na dumating sa Bohol lulan ng tatlong bangka noong Abril.
By: Drew Nacino / Jonathan Andal