Nagmakaawa ang dalawang alkalde sa Pangulong Rodrigo Duterte na huwag silang patayin at pahiyain sa publiko dahil sa umano’y pagkakasangkot sa operasyon ng iligal na droga.
Kasunod ito ng direktiba ng Pangulo sa mga awtoridad na i-assess ang report kung saan tinutukoy ang dalawang mayor bilang drug protector bago pagpasyahan kung ibubunyag ang kanilang mga pangalan.
Sinabi ni Duterte na nag-alok na magbitiw ang mga naturang alkalde subalit tinanggihan niya ito hanggat wala pang resulta ang imbestigasyon.
Ipinabatid ng Pangulo na bumisita sa Palasyo ang dalawang alkalde na tinangkang linisin ang kanilang pangalan.
Nangatuwiran pa aniya ang isa sa mga nasabing mayor na maaaring itinuturo lamang sila ng drug suspects para hindi maaresto ang mga ito.
By Judith Larino