Ipinasara ng pamahalaang lokal ng Quezon City ang isang funeral parlor at resto bar makaraang lumabag ang mga ito sa ordinansa ng lungsod.
Ito’y sa bisa ng inihaing ‘temporary closure’ order ng QC business permits and licensing department.
Kabilang sa paglabag ay ang pagbibigay ng ‘home service’ o pagbuburol sa bahay ng pamilya ng pumanaw na malinaw na paglabag sa alituntunin ng quarantine status sa lungsod.
Bukod pa rito, napag-alaman ding paso na ang Mayor’s permit ng naturang funeral parlor.
Ipinasara rin ang isang resto bar sa barangay siena sa Quezon City dahil sa kaparehong paglabag.
Dahil dito, nag-paalala ang pamahalaang lokal ng Quezon sa mga may-ari ng iba’t-ibang negosyo na tumalima o sumunod sa ipinatutupad na quaratine protocols kontra COVID-19.