Arestado ng mga tauhan ng Malabon City Police Station ang dalawang newly listed drug personalities matapos makuhanan ng mahigit P145K ng shabu sa Malabon City.
Kinilala ang mga suspek na sina Irene Flores, 42-anyos at Vincent Macapar, 27-anyos na naaresto matapos magpanggap ang isang Under Cover na Police na bibili ng iligal na droga.
Nabatid na nagkasa ng operasyon ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni LT. Alexander Dela Cruz kung saan, nakumpiska ang marked money at isang plastic sachet ng shabu na tinatayang nasa 51 gramo ang timbang.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. —sa panulat ni Angelica Doctolero