Dalawang (2) tower ng National Grid Corporation of the Philippine (NGCP) ang pinasabugan sa Pikit, Cotabato.
Ayon kay Pikit Chief Police Senior Inspector Sindato Karim, narinig ang dalawang pagsabog sa Brgy. Batolawan pasado alas-11:00 kagabi.
Nakita ng mga nag-inspeksyon na otoridad na tumumba na ang NGCP Tower 44 at 45.
Nagdulot naman ng malawakang brown out ang naturang insidente sa bayan ng Pikit at iba pang bayan sa Cotabato.
Patuloy ang ginagawang imbestigasyon upang tukuyin kung ang grupo na nasa likod ng naturang pag-atake.
By Rianne Briones