Arestado ang dalawang Nigerian national na miyembro ng African drug syndicate.
Ito ay matapos ang entrapment operation ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA kaninang madaling araw sa Centennial Road Kawit, Cavite.
Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, aabot sa anim na milyong piso ang halaga ng shabu na nakumpiska mula sa mga banyagang sina Solomon Anochiwa at Desmond Ozoma, na kapwa 34 anyos, taga Parañaque at mga businessman.
Nakuha din mula sa mga suspek ang isang cellphone at isang kotse.
Ayon kay Aquino, may large scale distribution ng shabu ang dalawang Nigerian sa Bicol Region, CALABARZON at Metro Manila.
Ginagawa aniya ng mga ito na drug courier ang mga Pilipino at sangkot din sa mga drug trafficking sa mga paliparan sa bansa.