Dalawang North Korean Ministry ang nasa likod ng pagpatay kay Kim Jong Nam, half-brother ng kanilang supreme leader na si Kim Jong Un.
Batay sa imbestigasyon ng South Korean National Intelligence Service, dalawang babaeng suspek ang ni-recruit ng Foreign Ministry At ministry of National Security ng Nokor upang patayin si Nam.
Ipinag-utos mismo ng supreme leader ang assassination sa kapatid subalit hindi pa malinaw ang dahilan.
Pebrero 13 nang harangin at atakihin si Kim Jong Nam ng dalawang babae gamit ang spray na VX Nerve agent sa Kuala Lumpur International Airport, Malaysia habang naghihintay ng flight pauwi ng Macau.
By: Drew Nacino