Arestado ang dalawang hinihilang notoryos na drug pusher na nasa watch list ng pulisya.
Kinilala ang naaresto na sina Ohyda Azur, 41-anyos at Ferdinand Vargas, 41-anyos pawang residente ng Lucena City.
Ayon kay P/Lt. Col. Romulo Albacea, Lucena Police Chief, naaresto ng operatiba ang dalawa matapos magbenta ng P500 halaga ng shabu sa isang police agent sa Barangay 5 dakong alas-6 ng umaga.
Nasabat sa mga suspek ang limang plastic sachet ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit P16,000.