Patay sa bakbakan ang dalawang miyembro ng New Peoples Army (NPA) habang naaresto naman ang dalawa pa matapos makaengkwentro ang mga sundalo sa Lamana, Barangay Kibalagbag, Malaybalay City sa Bukidnon.
Sa pahayag ni 8th Infantry Battalion (IB) at Civil Military Operations (CMO) Officer 1st Lt. Abigail Lorenzon, hindi muna isinapubliko ang mga pangalan ng mga rebelde para narin sa kaligtasan ng dalawa pang naaresto.
Narekober sa lugar ang tatlong cal. 45 pistols, isang 9mm pistol, limang magazine, medical supplies, mga bala at pagkain. —sa panulat ni Angelica Doctolero