Dalawang (2) miyembro ng New People’s Army o NPA ang patay matapos maka-engkwentro ng militar sa Baybay City, Leyte, ilang araw matapos ang pagwawakas ng holiday ceasefire.
Ayon kay Captain Francis Agno, spokesman ng 8th Infantry Division ng Philippine Army, tumagal ng isang oras ang sagupaan ng 78th Infantry Battalion at NPA sa Barangay Hilapnitan nitong Huwebes, Enero 4.
Rumesponde aniya ang mga sundalo sa sumbong ng mga residente na nangingikil ang mga rebelde sa naturang lugar.
Wala namang nasugatan sa panig ng mga tropa ng gobyerno habang narekober mula sa mga napatay na komunista ang isang M16 at M653 rifles.