2 miyembro ng NPA o New People’s Army ang patay makaraang makasagupa ng militar sa bayan ng Bunawan sa lalawigan ng Agusan Del Sur nitong Sabado.
Ayon kay Lt/C. Jaime Datuin, Spokesman ng 75th Infantry Battalion ng Philippine Army, nagsagawa ng operasyon ang militar kasunod ng sumbong ng ilang residente hinggil sa presensya ng mga rebelde sa kanilang lugar.
Nang makarating na ang mga sundalo sa lugar, doon na sumiklab ang bakbakan sa pagitan ng hindi pa tukoy na bilang ng mga NPA na tumagal naman ng 15 minuto.
Nakuha mula sa pinangyarihan ng krimen ang iba’t ibang matataas na kalibre ng armas tulad ng AK-47, M-16, caliber 45, granada at mga magazine na wala nang mga laman.