Nasa dalawa hanggang tatlong bagyo ang inaasahang papasok sa bansa sa buwan ng Hulyo.
Ayon sa PAGASA o Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration, posibleng mag-landfall ang mga ito o kaya ay mag-iba ng direksyon sa hilagang bahagi ng bansa.
Sinabi ng PAGASA na mula Hulyo hanggang Setyembre ay ang kasagsagan ng southwest monsoon o ang habagat.
Maliban dito, sa mga buwang ito ay asahan din ang mas mataas na tiyansa ng mararanasang mga thunderstorm.
By Ralph Obina
2 o 3 bagyo inaasahang papasok sa bansa sa Hulyo was last modified: June 28th, 2017 by DWIZ 882