Kapwa nakatanggap ng parangal ang dalawang overseas Filipino workers (OFW’s) sa Taiwan dahil sa kanilang dedikasyon at kasipagan sa kabila ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), ang factory worker na si Evelyn Kaguitla at caregiver na si Amelia Comilang ay binigyan ng pagkilala ni Taipei City Mayor Hou You-Yi sa taunang “Search for Outstanding Migrant Workers” ng Labor Affairs Department for exemplary workers ng lungsod.
Sinasabing ang dalawa ay parehong nakatanggap ng tropeo at cash prize mula sa lokal na pamahalaan.
Si Kaguitla ay isang trainer at nagtaguyod ng pagbabago sa kanilang kompanya habang nagpamalas din ng kasipagan at dedikasyon si Comilang sa pag-aalaga sa lola ng kanyang employer na mayroong dementia.