Winelcome ng Pangulong Rodrigo Duterte ang dalawang Over eas Filipino Worker (OFW)’s na bumalik sa bansa matapos gawaran ng royal pardon sa Bahrain.
Sina Roderick Aguinaldo at Edward Benjamin Garcia ay kapwa nagsisilbi ng kanilang sentensya dahil sa pagkamatay ng isang dayuhan nang pagkalooban ng royal pardon mi King Hamad Bin Isa Al Khalifa ng bahrain sa panahon ng Eid’l Fitr nuong isang buwan.
Natutuwa ang pangulo ng nakabalik na ng Pilipinas sina Aguilando at Garcia na makapagsisimula muli ng kanilang mga buhay kasama ang kani kanilang pamilya.
Ikinukunsider ng pangulo ang royal pardon bilang patunay ng malalim na ugnayan ng Pilipinas at Bahrain gayundin ang kaniyang magandang pakikipag kaibigan sa hari ng nasabing bansa.