Arestado ng PNP-CIDG ang dalawang online seller ng COVID-19 test kit matapos ang entrapment operation sa Sta. Cruz, Manila.
Kinilala ang mga nahuli na sina Stephen Matthew Reyes at Patrick Jimenez.
Nasakote sila matapos makipagtransaksyon sa police poseur-buyer na umorder ng 60 boxes ng Rapid Test Kit na nagkakahalaga ng P408,000.
Bigo ang dalawa na makapagpakita ng license to operate o special permit para magbenta o mag-distribute ng test kits.
Napag-alaman din na sina Reyes at Jimenez ay sub-leader ng Christian Criminal Group na nag-o-operate sa Sta. Cruz, Manila at sangkot sa iligal na pagbebenta ng hindi awtorisadong COVID-19 RT/PCR Test Kits.
Mahaharap sila sa paglabag sa RA 9711 o Food and Drug Administration Act of 2009 kaugnay ng FDA Circular No. 2020-016 o prohibition of Online selling of FDA Certified COVID-19 Antibody Test Kit. —ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)