Nagsimula nang magbenta ang dalawang kilalang online stores ng iba’t ibang klase ng paninda upang ipakita ang suporta sa mga tatakbo sa pagkapangulo ng bansa sa Halalan 2022.
Kabilang dito ang mga t-shirts, caps, stickers, face masks at posters kung saan makikita ang mga kakandidato sa pagkapangulo gaya nina Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., Vice President Leni Robredo, Manila Mayor Isko Moreno, Senator Panfilo “Ping” Lacson and Senator Manny Pacquiao.
Ngunit ayon sa Commission on Elections, ang araw ng pangagampanya para sa mga tatakbo bilang presidente, bise-presidente, mga senador at mga party lists ay sa Pebrero 8 hanggang Mayo 7, 2022. —sa panulat ni Airiam Sancho