Suspendido ang dalawang (2) mataas na opisyal ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) ng Pasig City.
Ang hakbang ni Pasig City Mayor Vico Sotto ay dahil sa kabiguan ng mga nasabing opisyal na aksyunan ang ilang environmental violations.
Una nang naitala ang paglabag sa isinagawang inspeksyon sa ilang business dumping waste water sa mga drainage sa lugar.
Sinabi ni Sotto na mababalewala ang lahat ng mga hakbangin nila para malinis ang mga ilog at iba pang waterways kung magpapatuloy ang dating nakaugaliang panunuhol.
Tiniyak ng alkalde ang tuluy tuloy na pinaigting na kampanya ng city government kontra korupsyon.