Mariing itinanggi ng dalawang opisyal ng Bureau of Customs (BOC) ang pagkakasangkot nila bilang protektor at smugglers ng produktong agrikultura sa bansa.
Ito ay matapos ilabas ang senado ang isang validated list na nagdadawit sa pangalan ng siyam na opisyal ng BOC patungong korupsiyon.
Sa magkahiwalay na pahayag nina BOC Commissioner Rey Leonardo Guerrero at Customs Intelligence and Investigation Service Director Geofrey Tacio, tahasang itinanggi ng mga ito na may kinalaman sila sa iligal na pagpapapasok ng agri-products sa bansa.
Giit ni Guerrero, siya pa mismo ang nag-utos at nagpasimula ng kampanya sa BOC laban sa smuggling kaya imposibleng sangkot siya rito.
Paliwanag naman ni Tacio, katuwang sila lagi ng AFP, PNP, NBI at PCG sa anti-smuggling operation.
Posible naman aniyang galing sa ilang smugglers ang listahan na una na nilang inaresto noon.
Maliban sa dalawa, kasama rin sa listahan ang ilang opisyal ng Department of Agriculture, Bureau of Plant Industry at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.