Lumitaw na matapos ang anim na buwan ang dalawang opisyal ng pamahalaan na nauugnay sa pagpaslang sa isang konsehal noong 2019 sa Negros Occidental.
Matapos maibaba ang warrant of arrest nitong Pebrero, sumuko na si Vice Mayor Adrian Villaflor at Konsehal Jimmie Don Plaza sa otoridad.
Ayon sa dalawang opisyal, nais nila na sa kustodiya ng National Bureau of Investigation (NBI) sila mapunta para sa kanilang kaligtasan.
Giit naman kay Police Major Randy Babor, hepe ng Moises Padilla Police, nasa korte na ang desisyon kung kanilang papayagan ang hiling ng dalawa.
Sa pagsuko ng dalawa, anim na sa kabuuan ang hawak ng otoridad na mariing itinatanggi ang akusasyon habang isa pa ang patuloy na hinahanap.—sa panulat ni Rex Espiritu