Arestado ng pinagsanib na pwersa ng National Bureau of Investigation (NBI) at Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) ang dalawang opisyal ng National Museum na inirereklamo ng pangingikil.
Kinilala ang mga ito na sina Angel Bautista, acting director ng Cultural Properties Division ng National Museum at Ernesto Torribio Jr., pinuno ng treasure hunting section.
Ayon kay PACC Commissioner Greco Belgica, nag-aapply ng treasure hunting permit ang dalawang complainant pero hindi mabigyan.
Hiningan aniya sila ng 120,000 pesos na bayad ng dalawang opisyal ng National Museum kapalit ng permit.
Nadakip ang suspek na sina Torribio at Bautista sa ikinasang entrapment operationg sa isang mall sa Pasay habang aktong tinatanggap ang pera.