Hinatulang guilty sa kasong graft at malversation charges ang dalawang opisyal ng National Bureau of Investigation.
Ito’y makaraang mapatunayang ibinulsa nina Quezon City NBI Satellite Office Chief Ramil Rodriguez at ang Chief cashier na si Elizabeth Sobrevilla ang halos ay P1 Million na nakolekta sa mga kumukuha ng NBI clearance.
Alinsunod sa hatol ni Quezon City Regional Trial Court Branch 226 Judge Manuel Sta. Cruz Jr., bukod sa 10 taong pagkaka-kulong, inutusan ang dalawa na ibalik sa pamahalaan ang nawawalang halaga na umaabot sa P942,425.
Nabuking ang modus nina Rodriguez at Sobrevilla sa isinagawang surprise cash inspection noong 2006.
Base sa ginawang imbentaryo ng NBI headquarters, umaabot sa 120 booklets ng mga NBI clearance na may kabuuang 8,195 piraso ng mga certificate ang hindi nila idineklara.
Bagama’t nakapag-issue sila ng mga official receipts ay nabigo naman silang mai-turnover sa nbi office ang halagang umaabot sa halos ay P1 Million.
By: Meann Tanbio I Bert Mozo (patrol 3)