Sibak sa pwesto ang dalawang opisyal ng Philippine Overseas Employment Administration.
Matapos masangkot sa umano’y kurapsyon at illegal recruitment ng mga Overseas Filipino Workers.
Ayon kay Department of Labor and Employment Undersecretary Dominador Say, depende sa extent ng liability kung makakasuhan ng administratibo o kasong kriminal ang naturang dalawang opisyal na hindi muna pinangalanan.
Samantala, nanatiling suspindido ang pag proseso ng Overseas Employment Certificate dahil sa mga ulat ng lumalalang illegal recruitment kaya walang bagong hire na OFW ang makalabas ng bansa.
Kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon, at balasahan sa POEA dahil sa umano’y kurapsyon at talamak na illegal recruitment.
Batay sa mga ulat na natanggap ng DOLE, may mga tauhan ng POEA na nakikipagsabwatan sa illegal recruiters at kumikita ng malaking halaga.