Ipinasara muna pansamantala ang ilang tindahan sa 2 pamilihan sa Antipolo City makaraang mabatid ang paglabag ng mga vendors sa umiiral na health protocols kontra COVID-19.
Ito’y alinsunod sa ibinabang closure order ng Business Permit and Licensing Office
(BPLO) at City Health Office ng Antipolo City.
Kasunod nito, pinag-aaralan na ng City Legal Office, kung ano ang maaaring isampang kaso sa pamunuan ng 2 pamilihan makaraang hindi sundin ang alituntunin ng Inter-Agency Task Force (IATF).