Dalawa pang barangay sa Quezon City ang nagpositibo sa African Swine Fever (ASF).
Tinukoy ng Quezon City Veterinary Department na positibo sa ASF ang Barangay UP Campus at Barangay Santa Monica.
Nakitaan ng panghihina ang isang baboy sa Barangay UP Campus noong Oktubre 29 na kinalaunan ay namatay din at nakitaan ng sintomas ng ASF.
Ilang mga baboy din ang namatay sa Barangay Santa Monica.
Napag-alaman na kaning-baboy ang ipinapakain sa naturang mga baboy.
Batays a protocol, lahat ng mga baboy sa loob ng 1-kilometrong radius ay kailangan patayin upang hindi na kumalat pa ang sakit.
Humirit naman ang mga nag-aalaga ng baboy na dagdagan ang ibinibigay sa kanilang tulong pinansiyal mula sa gobyerno.