Dalawa (2) pang bata na kapwa tinurukan ng dengvaxia noong isang taon ang namatay bunsod ng dengue shock syndrome at septic shock.
Kinilala ang mga biktima na sina Alexander Jayme, 11-anyos, residente ng Bataan na binawian ng buhay dahil dengue septic shock noong Enero 4, at Rei Jazzline Alimagno, 13-anyos, na namatay naman noong Enero 3 dahil sa dengue shock syndrome na terminal stage ng dengue.
Ayon kay Dr. Erwin Erfe, direktor ng Public Attorney’s Office (PAO) – Forensic Laboratory, kapwa nagpakita ang dalawang bata ng mga sintomas ng severe dengue kabilang ang lagnat, pananakit ng ulo, tiyan at pagsusuka.
Lumabas aniya sa kanilang eksaminasyon na nakaranas ng matinding internal bleeding sa utak ang mga biktima kung saan nakaranas din si Jayme ng pagdurugo sa bituka, baga at atay.
Sa ngayon ay limang (5) bangkay na ng mga batang binakunahan ang isinailalim sa eksaminasyon ng pao forensic team at marami pa ang susuriin.