Dalawa pang bata sa lalawigan ng Batangas ang nahawahan ng hand and foot and mouth disease.
Kinumpirma ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, na ang dalawa ay kabilang sa halos limampung pasyente na tinamaan ng virus.
Ito, ayon kay Vergeire, ay batay sa isinagawang laboratory test.
Nagpapatuloy naman anya ang test sa iba pang pasyente.
Nilinaw ng opisyal na aabot na sa 362 ang suspected cases ng HFMD pero nang beripikahin ay nasa limampu lamang ang kumpirmado.
Samantala, naka-isolate naman ang mga nahawang bata habang pina-alalahanan ng DOH ang ibang residente na mag-ingat laban sa sakit at ugaliin ang kalinisan sa katawan at kapaligiran.