Patuloy sa pagtaas ang dengue cases sa lalawigan ng Occidental Mindoro.
Inihayag ni Dr. Maria Teresa Tan, Provincial Health Officer ng Occidental Mindoro, aabot na sa 1, 810 ang kaso ng dengue sa lalawigan, kabilang ang 9 na namatay.
Dahil anya sa patuloy na pagtaas ng dengue cases, isinailalim na rin sa State of Calamity ang mga Bayan Sablayan at San Jose.
Una nang idineklara ang State of Calamity sa lalawigan noong Hulyo.
Batay naman sa datos ng Department of Health, sumampa na sa 92, 343 ang kaso ng dengue sa bansa simula Enero a – 1 hanggang Hulyo a – 23 kumpara sa 42, 294 sa kaparehong panahon noong isang taon.