Dalawang bilateral meetings pa ang dadaluhan ni Pangulong Noynoy Aquino sa pagtatapos ng APEC Summit ngayong araw.
Makikipagpulong ang Pangulo mamayang gabi kina New Zealand Prime Minister John Key at Japanese Prime Minister Shinzo Abe.
Naging mahigpit ang schedule ng Pangulo kahapon dahil sa sunud-sunod na bilateral meetings gayundin ang mga aktibidad sa APEC kaya’t mamayang gabi itinakda ang pulong sa dalawang lider.
Inaasahang tatalakayin ng 3 lider ang mga paraan sa pagpapaigting ng ugnayang panlabas gayundin sa pagpapalakas ng ugnayang pangkalakalan.
By Jaymark Dagala | Aileen Taliping (Patrol 23)