Dalawa pang Heneral ang patuloy na nasasangkot sa transaksyon ng iligal na droga.
Ito ang ibinunyag mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagdalo sa Valdai forum sa Sochi City Russia.
Gayunman hindi pinangalanan ng Pangulo ang mga nasabing Heneral at hindi rin nito tinukoy kung militar o pulis ang mga ito.
Magugunitang nitong Linggo lamang naging mainit ang isinagawang pagdinig ng Senado hingil sa ninja cops o mga pulis na nasasangkot sa pagrerecycle ng iligal na droga, partikular na ng mga dating naging tauhan ni PNP Chief General Oscar Albayalde noong siya ay hepe pa ng Pampanga police.