Dalawa pang ka-brad sa fraternity ni Pangulong Rodrigo Duterte ang itinalaga niya sa pamahalaan.
Tumanggi pa si Justice Secretary Vitaliano Aguirre na ibunyag kung saang ahensya inilagay ng Pangulo ang kanilang mga ka-brad sa Lex Talionis.
Gayunman, isang patunay anya ito na hindi naapektuhan ang kapatiran nila sa Lex Talionis sa pagkakasangkot sa pangongotong ng dalawa nilang ka-brad na appointee rin ng Pangulo.
Matatandaan na na ipinasisibak ni Aguirre sa Pangulo sina Immigration Associate Commissioners Al Argosino at Mike Robles subalit inunahan na ito ng pagre-resign sa puwesto ng dalawang opisyal.
Agad na nilinaw ni Padilla na wala itong kinalaman sa pagbatikos noon ng Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbili ng mga fighter jets ng nakaraang administrasyon na anya’y pagsasayang lamang ng pera dahil sa seremonya lamang ginagamit ang mga ito.
By Len Aguirre | Ratsada Balita