Dalawa pang mga labi ng minero ang narekober ng mga otoridad sa ika-sampung araw na search and retrieval operations sa Elizabeth Taneg, Mankayan, Benguet.
Sinabi ni Supt. Jonathan Calixto, Ground Commander ng search and retrieval team na kahapon pa nila nakita ang mga labi subalit hindi kaagad nila nakuha dahil naipit sa malaking bato ang mga ito.
Unang narekober ang labi ni Rocky Mangrubang at sumunod na nakuha ang labi ni Ronald Paul Angel, kapwa 19-anyos at walang asawa.
Dahil dito, 11 labi na ang narerekober ng mga otoridad at 6 pa ang nawawala kabilang ang isang lalaking inanod sa ilog.
By Judith Larino