Dalawa (2) pang arestado sa pagdadala sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang napalaya na makaraang saklolohan ito ng PAO o Public Attorneys Office.
Ayon kay Atty. Percida Acosta, hepe ng PAO, isa sa mga naaresto na kinilalang si Rey Salado ay hindi na umabot sa hinahabol sana nyang libing ng kanyang ama sa Cagayan de Oro City.
Umapela sa pamahalaan lalo na sa Department of Transportation and Communications (DOTC) si Acosta na kilalanin at aminin na may problema ng laglag o tanim bala sa airport.
Matatandaan na unang sinabi ni DOTC Secretary Jun Abaya na walang sindikato ng laglag bala sa NAIA samantalang kinumpirma naman ng National Bureau of Investigation (NBI) ang operasyon ng sindikatong nambibiktima sa NAIA.
“Command responsibility rule ay may panahon puwede mo silang bigyan ng panahon ng bayan ang ating pangulo na pagbutihin nila at ayusin ang problemang ito, nasa kamay nila yan eh, isipin natin na baka nga problema ito, huwag nating sabihin agad na hindi problema kasi ang Secretary Justice po namin,si Secretary Ben Caguioa nag-isyu na agad ng direktiba nung magpalaya po tayo na imbestigahan agad ng NBI itong sinasabing laglag o tanim bala.” Pahayag ni Acosta.
By Len Aguirre | Balitang Todong Lakas