Ipina-aaresto na ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Richard Gordon ang dalawang opisyal ng kumpanyang sangkot umano sa iregularidad sa pagbili ng pamahalaan ng pandemic supplies mula sa Pharmally Pharmaceutical Corporation.
Ito, ayon kay Gordon, ay makaraang mabigo sina Gerald Cruz at Jayson Uson ng mga kumpanya na iniuugnay sa Pharmally, na dumalo sa imbestigasyon ng Kumite.
Mahalaga anya ang posisyong hinahawakan nina Cruz at Uson sa ilang kumpanya na iniuugnay kay Michael Yang, na dating economic adviser ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Si Yang umano ang financer ng Pharmally, na tumulong sa kumpanya na makipagkasundo sa pamahalaan.
Hinahanap na ng panel si Cruz na umano’y may hawak ng lease ng bahay ni Yang sa Forbes Park, Makati City habang nasa Japan si Uson kaya’t makikipag-ugnayan na sila sa embahada ng Pilipinas sa Tokyo.