Nagtalaga si bagong Metropolitan Manila Development Authority o MMDA Chairman Danilo Lim ng dalawa (2) pang kapwa niya retiradong heneral sa ahensya.
Itinalaga ni Lim si Retired General Joe Campo bilang Deputy sa Office of the Assistant General Manager for Planning, habang si Retired General Roberto Almadin naman ay bilang Officer-in-Charge o OIC for Operations, Traffic, Flood Control and Solid Waste Management.
Binigyang-diin ni Lim na pagtatalaga niya kina Campo at Almadin ay makatutulong sa marching order ni Pangulong Rodrigo Duterte na ayusin ang problema sa trapiko at katiwalian sa MMDA.
Bukod sa dalawa, may apat (4) pang itinalaga si Lim sa iba’t ibang posisyon sa MMDA.
Si Jose Arturo Garcia ay itinalaga bilang bagong OIC ng Office of the General Manager for Planning at Chief of Staff ni Lim; si Michael Salalima naman ay bilang Deputy Chief of Staff at Tagapagsalita; si Atty. Romando Artes naman bilang OIC ng Office of the Assistant General Manager for Finance and Administration, at Atty. Vic Pablo Trinidad bilang OIC naman ng Legal Services.
By Meann Tanbio
Photo Credit: MMDA Facebook Page