Dalawa pang bagyo ang nabuo sa gitna nang pananalasa ng hurricane ‘Irma’ sa Caribbean Islands.
Ang hurricane ‘Katia’ ay nabuo sa gulf mula sa Mexico na nagtataglay ng lakas ng hanging umaabot sa 120 kilometers kada oras.
Dahil dito, naglabas na ang Mexico ng hurricane watch para sa karagatan ng Veracruz mula Tuxpan hanggang Laguna Verde.
Asahan naman si Katia na patungo sa karagatang bahagi bukas.
Inanunsyo na ng US National Hurricane Center (NHC) ang nabuong hurricane ‘Jose’ sa Atlantic Ocean na malayo sa kalupaan at silangan ng hurricane Irma.
Kaugnay nito, sinabi ng NHC na walang banta sa kalupaan ang hurricane Jose subalit maaaring magbago ang tatahaking direksyon nito.
Ang hurricane Jose ay ang ika-10 napangalanang bagyo sa taong ito na kasing lakas ni Irma na nasa category 5 na at patungong Antigua at Amerika matapos wasakin ng hurricane Harvey ang Texas.