Sumuko sa mga awtoridad ang dalawa pang suspek sa pagkamatay ng labing walong taong gulang na estudyante sa hazing incident sa Laguna.
Kinilala ang dalawang sumukong suspek na sina Kirby Galero at Kevin Perez na umano’y master initiator sa naturang hazing.
Nauna nang naaresto at kinasuhan ng homicide at paglabag sa anti-hazing law sina Reyvine Espaldon At Venzon Benedict Lacaocao na umano’y mga opisyal ng tau gamma phi fraternity.
Ayon sa ama ng biktimang si Raymark Rabutazo, hindi bababa sa 23 miyembro ng fraternity ang sangkot sa hazing kabilang ang ilan nilang kaanak.
Samantala, batay sa report medico legal ay nagtamo ng subdural hemorrhage matapos na hampasin sa ulo habang isinasagawa ang initiation rites ang grade 12 student. – sa panulat ni Mara Valle