2 pang veteran player ang posible umanong i-trade ng San Miguel Beermen.
Ayon sa source, nasa PBA office na umano ang papel nina Chris Ross at Marcio Lassiter at hinihintay na lamang ang approval ni Commissioner Willie Marcial.
Nauna nang binitawan ng Beermen si Arwind Santos na 12 taong naglaro sa SMB at itinrade sa Northport Batang Pier.
Aminado si Arwind na walang permanente sa mundo at magkikita kita pa rin naman sila sa court pero sa pagkakataong kalaban na niya ang dating team.
Pagkatapos ni Santos, pinadala naman si Alex Cabagnot sa Terrafirma Dyip kapalit ni Simon Enciso. —sa panulat ni Drew Nacino