Patuloy na iniimbestigahan ng Antipolo Police ang pagkasawi ng 2 batang lalaki na natagpuang patay sa loob ng isang kotse sa isang subdivision sa Antipolo City.
Ayon kay C/Supt. Lucilo Laguna, suffocation ang nakikita nilang sanhi ng pagkasawi ng mga biktimang kinilala lamang sa mga pangalang Aljo at Ren, kapwa apat na taong gulang.
Batay sa paunang pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operatives o SOCO, nakitaan ng bukol sa ulo si Aljo habang may pasa at sugat sa katawan si Ren.
Ngunit binigyang diin ni Laguna na hindi nila iniaalis ang anggulong foul play sa pangyayari lalo’t nakitaan ng paso ng sigarilyo si Ren sa kanyang braso.
By Jaymark Dagala