Ito ang kinumpirma ni City Mayor Alfred Romualdez kung saan 24 pa ang naka-admit sa Eastern Visayas medical center habang ang 10 ay nasa Tacloban City hospital dahil sa naman sa diarrhea.
Ipinabatid naman ni City Health Officer Doctor Danilo Ecarma na 2 pasyente ang nagpositibo sa rapid diagnostic test na isinagawa ng Department of Health (DOH-8).
Sinabi ng alkalde na naitala ang watery diarrhea sa 7 barangay, kabilang ang mga Brgy. 106, 105, 107, 91 Abucay, 39 Calvary Hill, at 79 Marasbaras.
Samantala, ini-utos na ni Romualdez ang pag-inspeksyon sa lahat ng water refilling stations at water sources sa mga apektadong barangay.
Hinikayat din niya ang mga pasyente na dumaranas ng mga sintomas tulad ng pagtatae na kumunsulta sa kanilang Rural Health Units (RHUSS) para sa agarang paggamot.